July 07, 2011

Ang pananahimik ng isang galit.

Masarap mabuhay sa mundo ng malaya. Walang kang ina-api or sinasagasaan na ibang tao. Mahirap isipin minsan nasasaktan kana o sinasagasaan kana ng iba pero sa kanila hindi naiisip na nasasaktan kana pala. At kapag inihayag mo ang nararamdaman mo sa kanila. Kahit maayos na pananalita o pa-galit, sa bandang huli ikaw pa rin ang masama. Hanggang kailan ba natatapos ang mga hidwaan ng tao sa mundo? Kapag sila ba ay namayapa na? ... Kaya ba ng iyong kunsensya na ang iyong kapwa ay mapahamak o sa madaling salita ay pina-niniwalaan nilang bad-karma? Tama ba manalangin sa Diyos na nag-likha sa tao na sila ay mapariwara? ... Ngunit, hindi ba natin naiisip na may kakayahan basahin ng Panginoon ang nilalaman ng ating puso at isipan. 


Lagi natin alalahanin  may dalawang estado sa mundo, ang mabuti at ang masama.